Mayroong isang nanay na abalang-abala sa pamimili ng mga pan-regalong pamasko sa mall. Kasama niya ang kanyang bunsong anak na lalaki na pitong taong gulang. Sabi ng nanay sa bata: “O anak, hawak ka sa akin ha? Baka ka mawala”. Pero dahil sa kaabalahan ng nanay sa pamimili ay hindi niya napansin na wala na pala sa tabi niya ang kanyang anak.
Dahil sa pangho-holdap ng isang lalaki ay nakapatay siya ng security guard sa bangko. Nadakip siya at napunta sa death row at noong araw ng kanyang bitay ay nangumpisal siya sa pari. Matapos niyang mangumpisal ay tinanong siya ni Father: “Mayroon ka bang nais sabihin sa akin at sa mga tao?”
Simula pa noong buwan ng Marso ay naging kakaiba na ang takbo ng pamumuhay ng bawa’t isa sa atin dahil sa pandemiya ng COVID 19. Marami tayong bagay na dati ay ating malayang nagagawa na ngayon ay mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaan para na din sa kaligtasan ng bawa’t isa. Hindi kailangan pang isa-isahin ang mga bagong panuntunan na pinatutupad dahil alam na alam na nating lahat ito at sadya nating ginagawa araw-araw.
Ang buwan ng Oktubre ay itinalaga bilang Buwan ng Santo Rosaryo sa karangalan na din ng Mahal na Birheng Maria. Napaka-espesyal ng buwan na ito para sa ating mga Katoliko dahil ipinapa-alala ng buwan na ito na lalo pa nating gawing mas masidhi ang ating pananalangin ng Santo Rosaryo. Sa katunayan naka-paloob sa buwan na ito ang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo.
Noong magsimula ang pandemiya ng COVID 19 noong Marso ang lahat ay nagulantang sa mga pangyayari. Biglang na-iba ang klase ng pamumuhay ng tao. Maraming alituntunin ang ini-labas ng gobyerno na dapat sundin ng mga mamamayan para sa kabutihan ng lahat at para maka-iwas sa virus na kuma-kalat.