OKTUBRE – Ang Buwan ng Santo Rosaryo

Ang buwan ng Oktubre ay itinalaga bilang Buwan ng Santo Rosaryo sa karangalan na din ng Mahal na Birheng Maria. Napaka-espesyal ng buwan na ito para sa ating mga Katoliko dahil ipinapa-alala ng buwan na ito na lalo pa nating gawing mas masidhi ang ating pananalangin ng Santo Rosaryo. Sa katunayan naka-paloob sa buwan na ito ang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo.

Ang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo ay nag-simula pa noong 16th Century matapos ang tagumpay ng mga Kristiyano laban sa mga Turkish Army. Kasi sinalakay ng mga Turks ang maraming bansa at halos ang buong Europa ay napasa-ilalim ng kanilang pamamalakad. Kaya si Santo Papa Pio V ay nanawagan sa haring Kristiyano para puksain ang panganib.

Ang hukbo ay nilagay sa pamumuno ni Don Juan ng Austria at bago sila pumunta sa digmaan ang mga kawal ay nagsimba, nagkomunyon at nagpa-bendisyon kay Santo Papa Pio V.

Nagtungo sila sa Lepanto para kalabanin ang napakaraming hukbo ng mga Turks habang ang Santo Papa naman ay nag-anyaya at nanawagan sa buong sangka-kristiyanuhan na manalangin sa Mahal na Birhen sa pamamagitan ng walang tigil na pagdarasal ng Santo Rosaryo.

At ganoon din ang ginawa ng lahat ng mga Kristiyanong man-dirigma habang ang kanilang mga bangka ay nagla-lakbay patungo sa digmaan. At noong October 7, 1571 habang ang Santo Papa Pio ay nakikipag-pulong sa kanyang mga Kardenal ay ibinalita niyang nagtagumpay ang hukbong Kristiyano sa Lepanto sa ilalim ng pag-a-ampon ng Ina ng Santo Rosaryo.

At dahil dito ay itinatag ni Santo Papa Pio V ang kapistahan ng “Nuestra Senora delas Victorias” o “Our Lady of the Victories” na pagkaraan ng panahon ay kinilala bilang “Nuestra Senora del Santissimo Rosario” o “Our Lady of the Most Holy Rosary”.

Dito naman sa ating bansa ay luma-ganap ang debosyon dahil sa pagta-tagumpay ng mga Kastila at mga Pilipino laban sa mga Dutch noong 1646 ng limang beses kahit na sa pamamagitan lamang ng dalawang mali-liit na barko lamang laban sa labing siyam na barkong pandigma ng mga Dutch. Ito ang tina-tawag nating “Battle of La Naval de Manila”. Ang tagumpay ay pinagtibay ng Arkidiyosesis ng Maynila dahil sa pag-a-ampon ng “Mahal na Birhen ng La Naval”. Kaya ngayon ay mayroon tayong “Festivities of Our Lady of La Naval” kapag buwan ng Oktubre.

Ang Santo Rosaryo simula pa noong 16th Century ay mayroong labing limang mysteryo na hina-hati sa tatlong bahagi: Joyful Mysteries o Misteryo ng Tuwa, Sorrowful Mysteries o Misteryo ng Hapis at Glorious Mysteries o Misteryo ng Luwalhati. At noong 2002 ay idinagdag ni St. John Paul II ang tina-tawag nating “Luminous Mysteries o Misteryo ng Liwanag.

Ang pagdarasal ng Santo Rosaryo ay pagninilay-nilay sa buong buhay ni Hesus, mula sa kanyang kapanganakan, kabataan, pagpa-pahayag ng kaharian ng Diyos, pagpapakasakit, kamatayan at muling pagka-buhay. Ito din ang pagni-nilay sa buhay ng Mahal na Birheng Maria mula noong siya ay piliin ng Diyos para maging Ina ng manunubos.

Kaya nga’t napaka-halaga ng Santo Rosaryo dahil kahit saan mang “apparition” magpa-kita at makipag-usap ang Mahal na Birhen sa Lourdes man, sa Fatima, sa Garabandal, sa Medjegorue, sa Nanju o kahit saan, ay sina-sabi niyang dasalin ang Santo Rosaryo sapagka’t ito ang pinaka-epektibong sandata ng isang Kristiyano laban sa lahat ng kalaban ng ating katawan at lalo na ng ating kaluluwa.

Nakalu-lungkot lamang na madalas ngayon ang Santo Rosaryo ay ina-abuso ng iba kasi gina-gawang:

  • Anting-anting ng mga kaskasero at walang modong drivers na naka-sabit sa rear view mirror ang Santo Rosaryo pero lahat ng batas trapiko ay nila-labag at kung maka-barurot ng kanilang saksakyan ay walang pakundangan kahit maka-sagasa ng kapwa.
  • Kuwintas at dekorasyon na pang porma lamang at hindi naman gina-gamit sa pagdarasal dahil ang akala ang iba basta naka-kuwintas ang Santo Rosaryo ay ligtas na sila.
  • Palamuti o accessories sa damit o katawan na gamit-gamit ng mga artista o mga singer sa kanilang minsan ay malalaswang pagta-tamghal sa entablado.
  • Sleeping Pills kapag hindi maka-tulog at nagro-rosaryo lamang para antokin at maka-tulog kaya ang bilis-bilis dasalin na matulin pa sa patak ng ulan ang pagdarasal kasi hindi naman nagmu-mula sa puso.

Ang Santo Rosaryo ay isang napaka-simple pero napaka-mayaman na uri ng pananalangin, praktikal at na-a-angkop sa ano mang sitwasyon ng ating buhay tulad ngayon sa pandemiya na COVID 19. The praying of the Holy Rosary engages our mind, it warms our heart, it uses our voice, it moves our lips and it occupies our hand. The Holy Rosary therefore is a well-focused prayer because our entire person in involved.

Kaya kina-kailangan ang pagdarasal natin ng Santo Rosaryo ay may debosyon, nagmu-mula sa puso at may pagni-nilay sa mga kaganapan sa buhay ni Hesus at ng Mahal na Birheng Maria. Dahil kung walang pagni-nilay para itong katawan na walang kaluluwa, basta paulit-ulit mo lang sina-sambit pero walang saysay at walang halaga kasi hindi nananahan sa puso.

Kaya nga sabi ni St. John Paul II: “The Holy Rosary is a contemplation of the face of Jesus” dahil tayo’y napapa-lapit sa kanya sa pamamagitan ng kanyang Inang Maria.

Kung tayo ay nakaka-panood ng ilang oras na tele-serye, ilang laro ng basketball, ilang pelikula sa Netflix, nakakapag-tsismisan ng walang katapusan o nagfa-face book ng one to sawa, dapat lamang na tayo ay huma-hanap din ng panahon na makapag-dasal ng Santo Rosaryo dahil hindi naman ito hihigit sa treinta minutos.

Ugaliin nating magdasal ng Santo Rosaryo araw araw kasama ang buong pamilya at mapatu-tunayan nating tutoo ang sina-sabi ni Venerable Patrick Peyton na “The Family that Prays together, stays together” and “A world at prayer is a world at peace!”. Sabi din nga ng mga Legionaries ng Legion of Mary: “To Jesus through Mary” at maaari nating idagdag ang Santo Rosaryo. “To Jesus through Mary and the Holy Rosary.”

“ANG BANAL NA SANTO ROSARYO AY HINDI LAMANG PANANALANGIN AT PAMI-MINTUHO SA MAHAL NA BIRHENG MARIA, KUNGDI PAGNI-NILAY DIN SA BUONG BUHAY NI KRISTO, ANG TAGAPAG-LIGTAS NG MUNDO”.


< Return to list