Ngayong panahon ng quarantine, pagiging Kristiyano ay buhay na buhay pa din.

Noong magsimula ang pandemiya ng COVID 19 noong Marso ang lahat ay nagulantang sa mga pangyayari. Biglang na-iba ang klase ng pamumuhay ng tao. Maraming alituntunin ang ini-labas ng gobyerno na dapat sundin ng mga mamamayan para sa kabutihan ng lahat at para maka-iwas sa virus na kuma-kalat.

May panahon na lahat tayo ay pinanatili lamang sa bahay at hindi basta-basta maka-labas ng ating mga tahanan. Matapos ang ilang linggo ay ang dami-dami ng nagre-reklamo na sila ay naba-bagot at walang magawa sa bahay dahil sa ipinatu-tupad na “lockdown”. Pati ang pagsi-simba sa simbahan ay ipinag-bawal kaya na-uso ang “Masses on-line”. Kaya karamihan ng mga tao ay nasanay na nagsi-simba sa pamamagitan ng laptop, sa tablet o sa cell phone. Pero kaka-iba ang mga on-line masses dahil hindi mo matanggap ang “Katawan ni Hesus”. Sabi ko nga: “On on-line masses, we can be spiritually nourished and enriched with the word of God but we can never be enriched and nourished with the real presence of Jesus in the Holy Communion.

Ang dami-daming nagre-reklamo na wala silang magawa dahil sa lockdown. Pero kahit na lockdown ay maaari pa din tayong maging mabubuting Kristiyano kahit tayo ay nananatili lamang sa bahay. Minsan sa aking homily ay nasabi ko: “During this lockdown we must not we say we are going crazy doing nothing because during the lockdown the first thing we need to do is stoop down and kneel down to fervently pray and ask the Lord for protection and strength amidst the spread of the virus”. Sa mga panahon na katulad nito ay wala tayong ibang dapat takbuhan at yakapin kungdi mismong si Hesus na tanging makapagli-ligtas sa atin. Kung tata-likod pa tayo kay Hesus na siyang tanging lakas at tanggulan natin, kanino pa tayo lalapit o tatakbo?

Mapapanatili pa din natin ang pagiging mabuting Krisdtiyano kahit tayo ay nasa sa bahay lamang ngayong panahon ng pandemiya. Marami tayong maaaring gawin para maibsan ang kalagayan ng bawa’t isa.

Una, ipinalangin natin ang Inang simbahan at ang mga namumuno nito ay manatiling tapat at nagsi-sikap sa pagbi-bigay lakas, sa kanyang pagkalinga at sa kanyang pag-gabay sa kanyang kawan na ngayon ay huma-harap sa napakaraming suliranin.

Pangalawa, ipanalangin natin ng taimtim ang lahat ng mga nadapuan at na-biktima ng virus at ang mga front-liners na tapat na nangangalaga sa mga may karamdaman.

Pangatlo, ipanalangin natin ang lahat ng mga kaluluwa ng pumanaw dahil sa karamdamang ito pati ang kanilang mga pamilya na matagal tataglayin ang sakit ng kanilang pag-panaw at ang paraan ng kanilang pagli-libing.

Pang-apat, sa tulong ni Maria na ating mapag-kalingang Ina, idalangin din natin ang mga sayentipiko at lahat ng mga nagsa-saliksik na maka-tuklas na ng lunas sa pandemiyang ito.

Pang-lima, idalangin natin ang mga namumuno sa ating pamahalaan na sila ay gabayan ni San Juan Pablo Ikalawa, modelo ng kababaang-loob at malumanay na pagta-taglay ng karamdaman sa kanilang mga ginagawang pag-tugon sa suliranin ng COVID 19.

Pang-anim, gumawa tayo ng mga hakbang na kahit tayo ay nasasa-bahay lamang na makatulong tayo sa ganang kakayahan natin sa mga lubos na nangangailangan, sa marami ngayong nagu-gutom, sa mga nawalan ng hanap-buhay, sa maraming patuloy na naghi-hikahos. 

Pang-pito, lalo na ngayong buwan ng Santo Rosaryo ay ugaliin nating dasalin ang Santo Rosary bilang isang pamilya at manik-luhod tayo kay Maria kasama si San Juan Pablo ikalawa na tulungan tayong hilingin sa kanyang anak niyang si Hesus ang pang-matagalang solusyon sa ating pandemiyang kinaki-harap.

At pang-huli, ngayong buwan at kapistahan ng ating Patron na si Hesus, ang Daan, and Katotohanan at ang Buhay, hilingin natin na bagama’t tayo ay nasasa ilalim ng mga quarantine protocols nawa ay maipag-diwang pa din natin ang kanyang kapistahan ng maka-buluhan sa ating pagiging isang bayang nati-tipon sa pananampalataya at pananalangin tulad ng isina-saad ng ating tema: “SA PANANALANGIN NAGKAKA-ISA, NGAYONG PANAHON NG PANDEMIYA”.

Sa taimtim at nagkakaisa nating pananalangin, pandemiyang ating kina-kaharap ay malu-lutas din.

Maligayang kapistahan po ni Hesus, na siyang Daan, Katotohan at Buhay sa ating lahat!


< Return to list